Karapatang Magpalathala at Panunulad
Reaksyon sa mga bagay bagay sa pamahalaan ng bansa
Oo, kaya ko naisipan gawan ng reaksyon ang paksang ito dahil sa kamakailan lamang na pangyayari sa ating kagalang galang na senador na si Vicente "Tito" Sotto III...at pati na rin dahil sa mga kinukuha kong mga larawan sa internet at ginagamit ko rito sa aking blog. Sa baba ay ang pinag-tabing larawan ng talumpati ni Kennedy at ni Sotto. Hindi ko na siguro ilalarawan ang buong pangyayari kaugnay sa plagiarism act ni Sotto sapagka't palagay ko'y nabasa niyo na ito.Alam kong malaki ang agwat ng tanda namin, ngunit kapag ihahalintulad ko ang sarili ko sa kanya bilang isang senador, baka mas maayos pa ako kaysa sa kanya. Ito'y kahit kaunti lamang ang aking pag-aaral sa pambansang konstitusyon at sa kung anu-ano pang bagay na kinakailangan ng mga mag-aaral ng political science, makakalamang ako sapagkat mayroon ako na wala si Sotto: integridad.
Hindi sa sinasabi kong mas mataas akong nilalang kaysa sa kanya dahil 'self-proclaimed' ko ang nasa itaas. Pero, isipin naman niya na bilang isang senado dapat may kakayahan siyang gumawa ng sarili niyang mga talumpati. Kaso kinuha lang niya yung kay Kennedy, isang dating presidente ng Amerika, at tinagalog ito.
Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit itinatanggi ni Senador ang kamalian niya, at sasabihing hindi ito plagiarism. Wow! Hindi pa nga niya nagawang i-paraphrase, talagang direktang isinalin sa tagalog word per word.
I won't delve deeper on the other accounts of Tito Sotto's incompatibility as a Senator.
Nakakahiya hindi lang bilang isang politiko kundi pati na rin bilang isang tao.
Kung sino pa ang mga tapat na pulitiko sila pa ang nauunang sumalangit.
No comments:
Post a Comment