Showing posts with label Buwan ng Wika. Show all posts
Showing posts with label Buwan ng Wika. Show all posts

Tuesday, September 11, 2012

Plahiyo at Kopirayt

Karapatang Magpalathala at Panunulad

Reaksyon sa mga bagay bagay sa pamahalaan ng bansa

Oo, kaya ko naisipan gawan ng reaksyon ang paksang ito dahil sa kamakailan lamang na pangyayari sa ating kagalang galang na senador na si Vicente "Tito" Sotto III...at pati na rin dahil sa mga kinukuha kong mga larawan sa internet at ginagamit ko rito sa aking blog. Sa baba ay ang pinag-tabing larawan ng talumpati ni Kennedy at ni Sotto. Hindi ko na siguro ilalarawan ang buong pangyayari kaugnay sa plagiarism act ni Sotto sapagka't palagay ko'y nabasa niyo na ito.

Alam kong malaki ang agwat ng tanda namin, ngunit kapag ihahalintulad ko ang sarili ko sa kanya bilang isang senador, baka mas maayos pa ako kaysa sa kanya. Ito'y kahit kaunti lamang ang aking pag-aaral sa pambansang konstitusyon at sa kung anu-ano pang bagay na kinakailangan ng mga mag-aaral ng political science, makakalamang ako sapagkat mayroon ako na wala si Sotto: integridad.

Hindi sa sinasabi kong mas mataas akong nilalang kaysa sa kanya dahil 'self-proclaimed' ko ang nasa itaas. Pero, isipin naman niya na bilang isang senado dapat may kakayahan siyang gumawa ng sarili niyang mga talumpati. Kaso kinuha lang niya yung kay Kennedy, isang dating presidente ng Amerika, at tinagalog ito.
Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit itinatanggi ni Senador ang kamalian niya, at sasabihing hindi ito plagiarism. Wow! Hindi pa nga niya nagawang i-paraphrase, talagang direktang isinalin sa tagalog word per word.

I won't delve deeper on the other accounts of Tito Sotto's incompatibility as a Senator.

Nakakahiya hindi lang bilang isang politiko kundi pati na rin bilang isang tao.
Kung sino pa ang mga tapat na pulitiko sila pa ang nauunang sumalangit.

Tuesday, September 4, 2012

Patawad, Paliwanag, at Pamamaraan

Pangalawang Talaarawan

Patawad kung hindi ako nakapagsulat dito nang buong buwan ng agosto. Baka iniisi niyo na ito'y dahil sa ayaw ko lang magsulat sa wikang Pilipino! Hindi naman ako hipokrito, sadyang marami lang nangyari noong buwan ng agosto.

Una'y dahil 'hinabagat' kami ng isang linggo kung saan walang tigil ang buhos ng ulan sa kamaynilaan kahit wala namang bagyo. May mga nabasa pa nga ako sa facebook na isang sabotahe ito ng bansang Tsina sa atin dahil sa mga pangyayari sa Spratly, kung saan mayroong 'device' na ginamit na naglalabas ng kemikal sa himpapawid. Ok.
Sunod na linggo ay nilaan ko naman sa aming preliminary examinations. Kunwari na lang na masipag ako na bata.
Sa katapusan naman ng buwan ng agosto ay nagkaroon ng kaguluhan sa aming munting bahay. Hindi na ako maglalahad pa, sadyang nakakalungkot lang ito *huhu. K.

Dahil dito, babawi ako sa mga utang kong posts! Hanggang sa kalagitnaan ng Setyembre (o kung mawili ay buong buwan na ito) sa sarili nating wika!

Wow, lumalalim na ako. Laking tulong ng diksyonaryo sa tabi!

Bow.

Saturday, August 4, 2012

Buwan ng Wika

It's August!

Which, in our country, is the "Buwan ng Wika"

Translation: Month of the (Philippine) Language


With this in mind, I took up the challenge of making ALL my posts for this month in my native language: Filipino...excluding this one since, well, I already started it in English. It'll be inconsistent of me to switch from one language to another.

Frankly, I'm not that nationalistic/patriotic of my own country. I think the reason why I think this way is because I was born during the time when the Philippines isn't doing well/slowly descending towards the bottom of the economic triangle (Largely due to the actions of a late president). The country was like a mess as described by my teachers/professors aroung the 1990s, with reforms and everything underway for the fixation of the new and longstanding problems faced by it.
This is mostly from what I know, and isn't 100% factual for I am not fond of reading history books and listening to lectures of such.

In connection above, I even have a harder time writing in our own dialect(although I use it more for speaking...) often using the almighty Google Translate. So with this so called mission, I might get more fluent at it and obtain a greater appreciation of nationalism!!

 Next up is about my past and desired hobbies! in tagalog. Nooouuououuuou.