Tuesday, September 4, 2012

Patawad, Paliwanag, at Pamamaraan

Pangalawang Talaarawan

Patawad kung hindi ako nakapagsulat dito nang buong buwan ng agosto. Baka iniisi niyo na ito'y dahil sa ayaw ko lang magsulat sa wikang Pilipino! Hindi naman ako hipokrito, sadyang marami lang nangyari noong buwan ng agosto.

Una'y dahil 'hinabagat' kami ng isang linggo kung saan walang tigil ang buhos ng ulan sa kamaynilaan kahit wala namang bagyo. May mga nabasa pa nga ako sa facebook na isang sabotahe ito ng bansang Tsina sa atin dahil sa mga pangyayari sa Spratly, kung saan mayroong 'device' na ginamit na naglalabas ng kemikal sa himpapawid. Ok.
Sunod na linggo ay nilaan ko naman sa aming preliminary examinations. Kunwari na lang na masipag ako na bata.
Sa katapusan naman ng buwan ng agosto ay nagkaroon ng kaguluhan sa aming munting bahay. Hindi na ako maglalahad pa, sadyang nakakalungkot lang ito *huhu. K.

Dahil dito, babawi ako sa mga utang kong posts! Hanggang sa kalagitnaan ng Setyembre (o kung mawili ay buong buwan na ito) sa sarili nating wika!

Wow, lumalalim na ako. Laking tulong ng diksyonaryo sa tabi!

Bow.

No comments:

Post a Comment